Una sa Balita

Boses ni Mimiyuuuh nasa Waze na

0 383

Skrrt! ‘Yan kaya ang maririnig ngayon ng mga pasahero o biyahero sa kanilang pagbabaybay sa sa kalsada, na boses nga ng sikat na vlogger na si Mimiyuuuh?

Yes, that’s right! Nasa map traffic app na Waze na ngayon ang boses ng paboritong vlogger ng maraming Pilipino! Nadagdag na sa listahan ng mga boses na pagpipilian sa Waze ang naturang vlogger.

Si Mimi ang pangalawang celebrity na napabilang sa mga boses na maririnig na nagbibigay-direksyon sa naturang app. Ang unang celebrity voice na naririnig ay ‘yung kay Miss Universe 2018 Catriona Gray. Ngayon naman ay mukhang mas maiibsan ang boredom ng mga nasa traffic kapag narinig nga ang boses ni Mimi sa pagbibigay ng direksyon.

Kasama sa maririnig na auto-recorded ay ‘yung kanyang signature intro na “Hey guys, it’s your girl” at mga ‘kulot’ na pronunciation na talagang nagmarka sa kanyang mga solid fan.

Sa ngayon ay wala pang post si Mimiyuuuh na reaksyon tungkol sa kanyang pagkakabilang sa mga boses na mapapakinggan sa Waze, pero excited na talaga ang mga fan na maubos ang kanilang tawa habang nasa traffic dahil sa kuwelang approach ng boses nito.

Bongga naman talaga ang vlogger na ito! Skrrt! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More