Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Boserong sikyo nanaksak ng bisor

0 447

Arestado ang isang security guard nang saksakin niya ang babaeng supervisor dahil sa pagsusumbong nito sa opisina, kaugnay sa ginagawang pamboboso ng suspek sa mga empleyadong babae sa Valenzuela City.

Kinasuhan ng frustrated homicide si Jesie Lahoy, 25, ng Brgy. Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Ligtas na sa tiyak na kamatayan at nagpapagaling sa ospital makaraang magtamo ng sugat sa likod ang biktimang si Nora Paredes, 36, supervisor ng Bottai General Merchandise na matatagpuan sa Pyramid Compound, Tatalon Street, Brgy. Ugong.

Ayon sa pulisya, alas-sais Huwebes ng gabi nang kinompronta ng suspek ang biktima. Nabatid na may mga empleyodang babae ang nagsabi kay Paredes na binobosohan sila ni Lahoy kapag nagtutungo ng banyo.

Nauwi sa mainitang diskusyon ang pag-uusap ng dalawa hanggang sa kumuha ng gunting ang suspek at sinaksak ang dalaga. Papatakas na si Lahoy, pero dumating kaagad ang pulisya na rumesponde sa insidente at inaresto ang si Lahoy. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.