Una sa Balita

BOS Alex derby may 60 entry

0 466

DIDISKARTE ng Pamasko ang mga sabungero sa Las Piñas Coliseum kaugnay ng Pamaskong Handog BOS Alex 4 –Cock Derby na may 60 entry na sa Miyerkoles, December 18.

Liyamado sina Mayor Nene Aguilar, Onie Tan, Willie Camigla, Obet Bello, Sonny Aguilar, Jimmy Quilatan, Jojo Cabrera, Jessie Marquez, Rhoan Velez, Carlos Tumpalan, Charlie Tan, Pong San Pedro, Rudy Sayaman, Rox group at Vet Elorde.

May mababang entry fee na P7,700 at garantisado rito ang P400,000 na mga papremyo.

Dahil tapos na ang apat na buwang taglugon, inaasahang ilalabas ng mga kasali ang mga cock winner.

Gayunman, puwede ang ‘Bakbakan’ at ‘Digmaan’ stags, ani coliseum manager Alex Tobias. Sa Martes, Dec. 17 na ang submission ng entries.

Alas-12:00 nang tanghali ang umpisa ng may 120 mga sultada.

Kontakin sina Grace 1 sa 8873 1040, 0929 1800 960,Grace 2 sa 0939 1376 455, o Julius sa 0915 3582 076. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More