Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bornea kasado kontra Obbadi

0 172

APRUBADO na ng International Boxing Federation (IBF) ang laban ni Pinoy fighter Jade Bornea kontra Mohammed Obbadi ng Italy, gaganapin ang upakan sa darating na Enero 14 sa Monterrey, Mexico.

“The IBF has granted formal sanction approval for the IBF Jr. Bantamweight Eliminator for (number one) between Mohammade Obbadi and Jade Bornea,” sey ni IBF championship committee chairman Carlos Ortiz.

Sinuman ang mananalo sa bakbakan ay mabibigyan ng pagkakataong labanan ang may hawak ng IBF junior bantamweight title, sa ngayon ay si Jerwin Ancajas ang may bitbit ng nasabing titulo.

Hawak ni ‘Hurricane’ Bornea ang flawless record na 16-0 na may 10 KOs habang ang makakatunggali niyang si Obaddi ay may 22-1 at 13 knockout. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.