Una sa Balita

Borlongan, Absalon magkakatadyakan

By
0 1,710

Tatlong teams ang pakay na manatili sa unahan ng team standings sa 80th UAAP 2018 men’s football tournament elims sa Rizal Memorial Track-Football Stadium.

Parehong galing ang University of the Philippines at University of the East sa panalo matapos ang late second half goals laban sa kanilang mga nakatunggali sa season openers, nakatakda silang magharap ngayong alas-2:00 ng hapon.

Target din ng University of Santo Tomas ang pangalawang sunod na panalo, katapat ang Adamson University sa alas-9:00 ng umaga.

Magkakaldagan naman ang De La Salle University at Far Eastern University sa alas-4:00 ng hapon.

May tigatlong puntos ang Fighting Maroons, Red Warriors at Growling Tigers matapos nilang manalo noong Linggo.

Sumandal ang UP kay JB Borlongan upang pungusan ang defending champion Ateneo de Manila University, 1-0, habang si Jasper Absalon ang kinapitan ng UE para ilista ang 1-0 pang-ungos laban sa National University.

Dinomina naman ng UST ang Tamaraws, 4-0 matapos nilang humugot ng puwersa kay Marvin Bricenio.