Una sa Balita

Bored na sa bahay: Ellen Adarna panay paseksi sa arawan

0 848

Sige lang sa pagpapansin itong si Ellen Adarna. Kung noong buntis siya, ni hindi siya nagparamdam sa Instagram niya, pero ngayon nga, halos maya’t maya ay panay ang post niya.

Sa Instagram story niya, panay ang sayaw, kanta, luto, at pagpapaganda ang ginagawa niya. Lahat ginagawa niyang katatawanan.

At yes, ayaw rin niyang paawat sa pagpapaseksi, ha! Imagine, dahil ang payo nga ngayon ay manatili sa mga tahanan dahil sa pagkalat ng coronavirus, kaya panay rin ang post niya ng mga sexy photo niya.

Aba, kung kailan may community quarantine, doon naman siya ganadong magbilad ng kanyang katawan sa arawan.

At tip pa nga niya sa mga follower niya, maganda raw gamitin ang balkonahe para mag-sunbathing.

Anyway, inamin nga rin ni Ellen na dumaan siya sa mental training sa Bali, Indonesia. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More