Una sa Balita

Boracay rehab 50-60% nang tapos – Cimatu

By
0 497

MAHIGIT kalahati na ng rehabilitasyon sa Boracay ang natatapos, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu.

Ayon kay Cimatu,­ nagkakaroon lamang nang paghinto sa kanilang mga road work dahil sa pag-uulan pero sa oras na gumanda ang panahon ay magpapatuloy ang pagkukumpuni sa mga kalsada sa loob ng 24 oras upang masigurong tapos na ang mga ito sa pagbubukas muli ng Boracay sa Oktubre 26.

Pinapalawak umano ang mga kalsada para maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Abante Hiring – IT dep

Maliban sa pagpapa­lawak ng kalsada ay nag­lalagay din ang Department of Public Works and Highway ng circumferential road sa Aklan kung saan P50 milyong pondo nito ay magmumula sa 2018 General Appropriations Act habang galing naman sa Department of Budget and Management ang P490 milyon.