Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Boracay hihingi pa rin ng swab test sa turista

0 138

Walang nabago sa mga requirement para makapasok sa Boracay Island kahit pa inaprubahan na ang unified travel protocols sa mga tourist spot sa bansa.

Ayon kay Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista sa isang panayam kahapon, ang mga turista ay dapat pa ring magpresenta ng negatibong resulta ng COVID-19 RT-PCR test na inisyu sa loob ng 72 oras.

Kailangan ding may kumpirmadong booking ang mga biyahero sa alinmang hotel na accredited ng Department of Tourism.

Magugunitang sa unified travel protocol na inapruba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, hindi na required ang coronavirus testing sa mga turista maliban na lang kung ipilit ito ng lokal na pamahalaan.

Hindi na rin kailangang sumailalim sa facility quarantine ang biyahero puwera na lang kung magpapakita sila ng sintomas ng virus sa pagdating nila sa destinasyon. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.