Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Booster shot sa higit 3K Las Piñas health worker kasado na

0 193

Aarangkada na ang pamahalaang-lokal ng Las Piñas para bigyan ng COVID-19 booster shots ang hanay ng mga health workers simula Nobyembre 20 hanggang 21.

Ayon kay Mayor Imelda “Mel” Aguilar, umaabot sa 3,700 health workers na kabilang sa A1 category at nabakunahan ng 2nd dose sa loob ng nakalipas na anim na buwan ang unang tuturukan ng booster.

Isasagawa aniya ito sa mga ospital at malls sa lungsod na unang inaprubahan ng Department of Health (DOH).

Pfizer at Moderna vaccines ang gagamiting booster shots sa Las Piñas City.

Samantala, inalerto ni Vice Mayor April Aguilar sina city health officer-in-charge Dr. Juliana Gonzales at Immunization Program Coordinator Dr. Eleen Gumpal na humanda sa ipalalabas na guidelines ng DOH ukol sa pagbabakuna ng booster sa mga senior citizen na nasa A2 category at may mga comorbidity sa A3 category.

Hinikayat din ng bise alkalde ang mga Las Piñero na samantalahin ang pagkakataon para maging fully-vaccinated at madagdagan pa ng booster upang lalong maprotektahan laban sa COVID-19. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.