Una sa Balita

‘Book’ ni Mark hinaharang

TRO banta ng ibang kampo

By
0 10,139

Beyond The Mark at hindi Beyond my Mark ang pamagat ng memoir ni Mark Bautista na hindi pa lumalabas sa mga bookstore pero kontrobersyal at pinag-uusapan na agad.

May report si Ricky Lo sa kanyang Philippine Star column noong January 5, 2018 tungkol sa biography book ni Mark na posibleng ma-delay ang release.

“The release of Mark Bautista’s tell-all me­moir, Beyond My Mark, might have to be postponed because some parties insist on going over the manuscript. It’s called pre-censorship, isn’t it? Otherwise, a TRO (Temporary Restraining Order) would be served on the book being published by Viva Publishing,” ang report ni Lo.

Nang makausap namin si Mark sa grand opening ng Trinoma branch ng Pepi Cubano noong December 7, 2017, sinabi ng sin­ger-actor na tapos na tapos na ang libro niya at naghihintay na lamang siya na ilabas ng VRJ Books Publishing Inc. sa mga bookstore ang Beyond The Mark.

Kung ready for release ang controversial memoir ni Mark, mahihirapan nang maghabol ang mga gustong mabasa muna ang manuscript ng libro.

Malakas ang kutob namin na malapit nang maging available sa mga bookstore ang Beyond The Mark dahil nagsimula nang maglabas si Mark ng teaser sa social media account niya tungkol sa libro na maituturing na tur­ning point ng kanyang 15-year-old showbiz career.

“I have a story to tell and no matter what others might think, I’m happy I can share this with pride (from overcoming my personal struggles), joy (from rediscovering my life’s purpose), and peace (from finding the true essence of fulfillment).

“For me, these are life’s great achievements. This has been my journey and my life, so far,” ang statement ni Mark na tila mensahe na rin niya para sa mga nagnanais na i-censor ang nilalaman ng kanyang memoir.

Lovi aminadong madalas mang-iwan ng mga lalake

Going strong ang relasyon ni Lovi Poe sa kanyang boyfriend na si Chris Johnson pero tumanggi siya na ikumpara ang karelasyon sa ex-boyfriends niya.

“It’s hard to answer that. I’d keep it to myself pero wala naman. You can’t compare men kasi. They’re all diffe­rent,” ang paliwanag ni Lovi na hindi pa nagkakaroon ng the one that got away boyfriend.

“Parang I never had someone that got away from me. I am the TOTGA! I’m just kidding.

“Wala pa kasi every person that I don’t end up with, I learn a lot from them. It’s not a failed relationship once you’ve learned something,” ang sabi ni Lovi na gustong-gusto ang bagong primetime teleserye niya sa Kapuso Network dahil magaan ito sa dibdib at walang mabibigat na eksena.

“The One That Got Away is very light. Sexy romantic comedy­ siya. Sa ilang taon ko sa industriya, this is my first teleserye na magaan lang. Lahat ng ginawa ko puro drama, puro heavy drama so this is something new for me.”

Andre lagare sa 3 projects ngayong 2018

Sina Mikee Quintos at Mikoy Morales ang mga bida sa Sirkus, ang television drama fantasy series na magsisimula sa January 21 at mapapanood tuwing Linggo sa timeslot ng Road Trip na may last telecast sa January 14.

Kambal na magkapatid ang role nina Mikee at Mikoy sa bagong television project ng News & Public Affairs ng GMA 7.

Co-stars nina Mikee at Mikoy sina Zoren Legaspi at Angelu de Leon na gaganap bilang mga magulang nila, Cherie Gil, Sef Cadayona, Chariz Solomon at Andre Paras.

Ang Sirkus ang pangatlo na regular show ni Andre sa Kapuso Network dahil mainstay siya ng Sunday Pinasaya at kasama sa cast ng Sherlock, Jr., ang primetime teleserye na papalit sa Super Ma’am at mapapanood si­mula sa January 29, 2018.