Una sa Balita

Boodle fight pinauso ng Pinay chef sa Paris

0 777

NAUUSO na rin ang boodle fight kahit na sa lugar kung saan makikita ang mga sikat na restaurant.

Naisipan ng Pinay chef na si Erica Paredes, na magpakain sa mga kaibigan niyang Pilipino sa Paris sa pamamagitan ng kamayan pero laking gulat niya na pati na ang ibang European ay sumabak din sa boodle fight.

Kalahati ng mga customer sa restaurant ay kumakain ng pakamay habang kalahati naman ang gumagamit pa rin ng plato.

Hindi lahat ng mga customer niya sa boodle fight ay mga Pinoy dahil karamihan nito ay mga banyaga na nagustuhan ang kamayang kainan.
Sampung taong gulang pa lang si Erica nang magkaroon ng interes sa pagluluto.

Sa kanyang paglaki ay nag-aral at nakapagtapos siya ng culinary course sa La Cordon Bleau.

Sa kabila nito, nakahiligan pa rin niya ang pagluluto ng putaheng Pinoy at nang magkaroon ng pagkakataon ay ipinatikim niya ito sa kanyang mga kaibigan at maging sa mga European sa pamamagitan ng boodle fight.

Ang boodle fight ay tradisyon ng mga sundalo na sabayang pagkain sa mesa na nakakamay lamang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More