Una sa Balita

Boobs, singit, tambok ni Myrtle pinulutan ng mga basher

By
0 669

Edukada si Myrtle Sarrosa, kaya kahit anong pang-iinsulto ang gawin sa kanya ng mga basher, lalo na ‘yung sobra-sobra kung bastusin siya, dedma lang siya.

Sa latest photo nga ni Myrtle na naka-swimsuit siya, katakot-takot na komento ang natanggap niya. Binusisi nga ang kanyang itsura, mula mukha hanggang sa kasuluk-sulukan ng kanyang katawan.

“Got stripey tan lines after taking this photo … But I don’t mind since I enjoy being under the summer sun! … @jaytablantephotography @sofiaday Taken at the awesome @funography hauz,” caption ni Myrtle.

Pero, ang Instagram nga ay ­venue rin para sa mga walang magawa. Mga tipong gumagawa ng account nila para manlait, mambastos ng mga celebrity na gusto nilang pagtripan.

Kaloka lang na pati tambok na bulaklak ni Myrtle, sinisira. At pati ang kulay ng kanyang singit ay pinapansin.

At pati nga itsura ng mga mata niya, hanggang sa dibdib niya, nagiging sentro ng komento ng mga troll/basher, ha!

Well, mas marami naman ang nagsasabi na ang hot, at sariwang-sariwa pa rin si Myrtle. Hindi nga siya ‘yung tipo ng artista na sa sobrang kapu-post ng mga sexy photo sa kanilang social media account ay kinasawaan na. Si Myrtle, mabango pa rin ang da­ting sa mga fan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy