Una sa Balita

Boobs ni Ritz Azul nakakalula sa sobrang laki

0 2,521

abante-talbog-joe-barramedaKilalang theatre actor si Pepe Herrera although Music graduate siya sa UST kung saan naging miyembro siya ng Coro Tomasito. Si Pepe ay nabigyan ng break sa showbiz ni Coco Martin bilang sidekick niya sa Ang Probinsyano noon.

Doon din yata sila nagkakilala ni Ritz Azul na ngayon ay pareha na niya sa pelikulang The Hopeful Romantic under Regal Entertainment na magsisimulang ipalabas sa Sept 12.

Masaya ang Kapampangan na si Ritz na nabigyan siya ng malaking break sa pelikulang ito. Nasa ABS-CBN siya ngayon at mainstay ng Banana Sundae.

At sa totoo lang magaling umarte si Ritz at bagay sa kanya ang role na bilmoko girl, ha! At kaloka, dahil kapansin-pansin talaga ang napakalaki niyang boobs sa movie.

Janine natutukso sa kaguwapuhan ni Alden

Hindi lang isa kundi tatlo ang inuwing parangal ni Pambansang Bae Alden Richards sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Music. Tinanggap ni Alden mula sa award-giving body ang Male Pop Recording Artist of the Year, Pop Album of the Year, and Album of the Year para sa kanyang album na pinamagatang ‘Say It Again.’

Lubos naman ang pasasalamat ni Alden sa PMPC at sa lahat ng kanyang mga tagahanga na walang sawang sumusuporta sa kanya.

Samantala sa GMA Primetime series naman niyang Victor Magtanggol, hindi magugustuhan ni Gwen (Janine Gutierrez) ang balak ng kanyang amang si Hector (Eric Quizon) na ipakasal siya kay Tim (Lucho Ayala).

Dahil dito, magtatapat siya kay Hammerman (Alden) ng tunay niyang nararamdaman.
Makikita ni Sif (Andrea Torres) ang dalawa at halos hindi niya mapigilan ang kanyang galit. Paano na kaya ito?

Jeric, Migo, Jake inabangan sa Ika-5 Utos

Hindi nasayang ang excitement na naramdaman ng cast ng pinakabagong Afternoon Prime series ng Kapuso Network na Ika-5 Utos dahil pinaramdam sa kanila ng mga viewer nito ang mainit na pagtanggap sa kanilang programa. Puring-puri ng mga nakapanood ang napapanahon nitong istorya kaya naman last week pa lang daw, inabangan na nila ito.

Kapansin-pansin din para sa kanila ang hindi kumupas na talento ng nagbabalik-Kapuso na si Gelli de Be­len pati na rin sina Jean Garcia at Valerie Concepcion. Nasabik din silang mapanood sina Tonton Gutierrez at Antonio Aquitania kaya tinutukan nila ang pagsisimula ng serye. Looking forward din ang lahat sa paglabas ng mga young cast member nito na sina Jeric Gonzales, Inah de Belen, Migo Adecer, Klea Pineda at Jake Vargas.

Jo Berry kinilig sa mensahe ni Ken Chan

Break muna sa pagiging seryosong aktres si Jo Berry, ang lead star sa GMA Primetime series na Onanay.

Sa kanyang pagbisita kasi sa palabas ni Arnold Clavio na Tonight With Arnold Clavio, hindi naitago ni Jo ang kaniyang kilig nang hindi niya inasahang bigyan siya ng mensahe ng kanyang crush na Kapuso actor na si Ken Chan.

Ayon kay Jo, isa talaga si Ken sa mga Kapuso actors na hinahangaan niya. Hindi na naitago pa ng small but terrible actress ang kanyang kilig nang ikuwento niya ang palitan nila ng messages ng My Special Tatay lead star. Aba, Jo, ha! Ibang level ka na.