Una sa Balita

Boobs ni Pops nakakabitin

0 2,517

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyBinitin ni Pops Fernandez ang kanyang mga fan, follower sa Instagram, sa matipid niyang pagpapasilip ng kanyang kaseksihan. Masisilip sa post ng Concert Queen na nakalublob siya sa pool suot ang isang bright-color green swim bra.

Kalahating katawan lang ang ipinakita ni Pops na naglalantad ng kanyang dibdib, sa larawang ito. In fairness, kahit dibdib lang ang nakalitaw sa singer-concert producer ay sexy pa rin ang dating niya dahil nakaluwa ang kanyang cleavage.

Nanghihinayang ang mga fan ni Pops lalo at uso ngayon ang pakitaan ng katawan sa social media. Naniniwala silang may angkin pang ganda ang pigura ng kanilang idolo, na nais nilang makita.

Pero dahil nga nagdamot si Pops, nabitin nang husto ang kanyang mga tagahanga, lalo na ang mga boylet na minsan pa nilang masilayan ang kaseksihan nitong hinangaan ng buong showbizlandia.

KC Concepcion binasura ang mga toxic na tao

Naiintindihan ng mga netizen kung saan nanggaga-ling ang ningning sa awra ni KC Concepcion at kung bakit hindi man ito visible sa showbiz, mukha pa rin itong artista at napakaganda. Nagbahagi si KC ng sikreto kung bakit maaliwalas ang kanyang buhay ngayon.

Sa post niya sa Instagram ng close-up photo niya na happy ang mood, sinabi niyang pinipili niya ang mga bagay na magbibigay-glow sa kanyang pagkatao. Ilan na nga rito ay ang pagpili ng mga tao sa paligid na makakapagparamdam ng kagandahan ng mundo.

Mas gusto ni KC na mapalibutan ng mga taong mahal niya at tinitingala. Tinanggal o iniwasan na niya ang mga toxic people, pati na ang mga sitwasyon at negative thoughts.

Sinabi niyang ang diet ay hindi lang tumutukoy sa kinakain kundi iwasan ang mga nega sa buhay.

Dahil sa prinsipyong ito ni KC, pinasalamatan siya ng mga follower dahil may nakuha silang tips para gumanda rin ang pananaw nila sa buhay.

Maris, Loisa, Sue pang-‘Mean Girls’ ang kagandahan

Humakot ng atensyon ang magkakaibigang sina Maris Racal, Sue Ramirez at Loisa Andalio sa isang short video na in-upload nila. Mapapanood sa Instagram ni Maris na magkakaangkla sila nina Sue at Loisa na naglalakad sa hallway ng ABS-CBN compound.

Hindi puwedeng hindi panoorin ang video lalo at napakaganda, at seksi ng tatlong ito, na ang mga suot ay body-hugging cocktail dress. Ube color ang suot ni Sue, samantalang cheese o light yellow naman ang kay Maris. Naka-red oversize suit naman si Loisa.

Mistulang eksena sa pelikulang “Mean Girls” ang video dahil sa mga itsura ng tatlo.

Naaliw ang mga netizen sa video dahil mala-runway model rin ang dating nila. Hindi katakataka kung magka-idea na pagsamahin silang tatlo sa isang a­cting project na inspired sa kanilang video.

Neri umaming nagalit sa Diyos

‘Nagalit sa mundo at nagalit sa Diyos’ ang pinosteng rebelasyon ni Neri  Miranda, misis ng Parokya ni Edgar front man na si Chito Miranda. Pinoste ni Neri ang throwback photo ng kanyang ultrasound pic sa una niyang pagbubuntis last May 27, 2015.

Ang post na ito ni Neri ay pag-alala sa isang madilim na bahagi ng kanyang buhay. Sa caption ay sinabi ni Neri na gumuho ang mundo niya nang makunan siya at hindi natuloy ang pinapangarap na pagbubuntis.

Na-depress siya nang husto at nagalit sa Diyos dahil hinayaan daw Niya na mawala ang pagkakataong magkaroon siya ng anak. Ang rason ng post na ‘yon ay para payuhan at bigyan ng positive thoughts ang mga nagkaroon ng parehong problema.

Sabi ni Neri, silakbo lang ng damdamin ang galit niya sa mundo at nagawa rin naman niyang tanggapin ang kanyang sinapit. Matapos nito ay nabiyayaan sila ni Chito ng isang anak na higit pa sa kanilang hiniling sa Diyos, dahil sobrang “perfect” daw ang kanilang anak na lalake.
Inspiring ang mensahe ni Neri kaya pinuri siya ng mga naka-relate sa pinagdaanan niya noon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy