Una sa Balita

Boobs ni Pia aalog-alog sa Facebook, mga fan na-distract

By
0 2,007

Naging object ng malisya ang isang makeup tutorial online ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Sa kanyang Facebook page, parating may ina-upload si Pia na makeup tutorial session para sa kanyang mga follower on social media.

Paraan ito ni Pia para sa mga aspiring beauty queen at sa mga teenage­r na humahanga sa kanya na mabigyan sila ng mga tip at trick kung paano maglagay ng mabilisang makeup kapag may date, kapag party or pampa-fresh lang sa araw-araw na lakad.

Pero nitong nakaraan July 2 lamang ay nabig­yan ng malisya ang isang makeup tutorial ni Pia dahil sa pagkakataong iyon, hindi ang paglagay ng make-up ang tinutukan ng mga netizen kundi ang kanyang mala­laking boobs.

Nakaanggulo raw kasi ang camera ni Pia na kita ang kanyang cleavage­ sa suot ­niyang white spaghett­i strapped na top.

Habang nag-a-apply ito ng makeup, umaalog-alog daw ang mga dyoga nito kaya may nag-comment na netizen na parang mga subtitles daw ang mga boobs ni Pia.

“Para ka lang nano­nood ng movie na may subtitle” post pa ng netizen­.

Doon na nagsimula na mapansin ng mga netizen ang pag-jiggle ng boobs ni Pia at imbes na mag-comment sila sa makeup, ang mga dyoga ni Pia ang kanilang binibigyan ng comment!

May mga nag-comment na nakaka-distract ang boobs ni Pia habang naglalagay ito ng makeup.

Meron naman na nag­lagay ng hashtag na #ManyakMode para doon sa mga nagbigay ng malisya sa video ni Pia.