Una sa Balita

Boobs ni Marian lalong lumaki

0 467

abante-i-know-better-jun-nardoLalong lumaki ang boobs ni Marian Rivera, ha! Pero ang katawan niya, seksing-seksi pa rin matapos manganak sa second baby nila ni Dingdong Dantes, si Ziggy.

Inilantad ni Yan-Yan ang seksi niyang katawan sa una niyang public appearance sa renewal ng kontrata niya bilang ambassadress ng Kultura.

Inanunsyo rin sa event na maglalabas ng kanyang t-shirt collections na ilu-launch sa July 22, 3PM at SM Southmall Event Center.

“Nakaka-proud talagang magsuot ng Kultura. Sabi ko nga sa mga post ko, proud to be Pinoy, gawang Pinoy! Nakaka-proud talaga!” bulalas ni Marian sa produktong ineendorso.

Marami man siyang pinagkaabalahan matapos manganak, para kay Yan-Yan, ang sobrang rewarding sa kanya ngayon ay ang pagiging nanay.

“‘Yung kay Zia nga, sobrang busy na ako. What more may newborn ako?

Nakakatuwa. Kasi si Zia pumapasok na sa school. Si Ziggy, kabuntot ko palagi. Eh, exclusively nagbi-breastfeed talaga ako. Isa ‘yon sa mahirap gawin,” pahayag ni Yan-Yan.

***

‘Descendants’ ni Dingdong tinanggihan ni Yan-Yan

Eh kelan naman siya babalik sa TV?

“Binigyan na ako ng letter ng GMA. Pinababalik na ako! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

Endorsement daw muna ang gagawin niya, kasunod ang hosting sa “Tadhana” at sa “Sunday PinaSaya.”

Eh totoo ba ‘yung sinabi ni Dingdong sa isang interview na may taong hinihintay para masimulan ang series niyang “Descendants of the Sun”?
“Napag-usapan namin ni Dong ‘yan. To be honest, priority kong alagaan si Ziggy. Mahirap para sa akin na iwan si Ziggy tapos, mag-soap.

“Pero baka magbago ang isip. Tingnan ko kung makakabalik ako. Pero ngayon, kung tatanungin ako, if given the chance na tanu-ngin ako, balikan ako, itong punto na ‘to, I will say no.

“Kasi hindi ko kaya. Ako ‘yung nanay na ayaw kong pagsisihan na wala ako doon habang lumalaki sila.

“Sa soap? No ako ngayon pero after two months, malay mo, mag-yes ako!” rason ni Marian.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy