Una sa Balita

Boobs ni Gretchen pantasya ng magdyowang ABS-CBN boss

0 2,647

Isa sa posibleng dahilan kung bakit nataypan ng magsyotang boss ng ABS-CBN ang showbiz reporter na si Gretchen Fullido ay dahil sa malusog nitong dibdib.

Ito ang reklamo mismo ni Fullido laban kina ABS-CBN News executive Cheryl Favila at ‘TV Patrol’ segment producer Maricar P. Asprec.

Depensa ni Asprec, hindi niya alam na nababastusan pala si Fullido kapag pinag-uusapan nila ang dibdib ng dalaga.

“May mga kuwentuhan at lokohan kami ni Gretchen about sa boobs niya. Never niyang sinabi na ayaw niya ng ganung lokohan. Never kong naramdaman at never niyang sinabi na nababastusan siya or nao-offend siya sa mga ganung klaseng usapan,” ayon sa affidavit ni Asprec.

“Sumasagot at nakikipagbiruan din siya kaya nagulat ako na ini­rereklamo niya ito nga­yon. Sa dinami-dami ng nanloloko sa kanya at nagko-comment about her boobs nagulat po ako na inirereklamo niya ito,” katuwiran pa niya.

May pagkakataon din na noong naging ‘Thursday girl’ ni Favila si Fullido nang mag-date sila sa bar sa Bonifacio Global City sa Taguig City noong Marso 9, 2017, napakagat sa labi at napatingin umano sa dibdib ng reporter ang exe­cutive nang malaman nitong hiwalay na ito sa boyfriend na si Simon Greatwich ng Azkals.

Katuwiran naman ni Favila, ‘mannerism’ niya ang pagkagat ng labi at wala itong ibang kahulugan.

“I am not sure at which point in that conversation was she pertaining when she said I bit my lips and looked at her breast. But this I have to reveal about myself: the biting of lips is a mannerism that I’ve had since I was young. I do it unconsciously. Also, looking down is me thinking,” ayon sa affidavit ni Favila.

Noong ihatid ni Favila si Fullido sa kanyang bahay sa Pasig dakong alas-dos nang madaling-araw, sumakay ito ng kot­se at ibinaba ang passenger seat at tumihaya doon.

“If I were to put ma­lice in her act, I would say that at that point she was trying to seduce me. But I did not entertain the thought and just drove her to their house in Pasig,” ani Favila.

Nagpadala pa umano ng text message si Fullido sa kanya dakong alas-tres nang madaling araw at nagpapaalala na mag-ingat sa pag-uwi kasabay ng katagang “has lots of fun tonight”, kaya’t hindi niya mawa­ring minanyak niya ang dalaga ng gabing iyon.

Ang kopya ng affidavit nina Favila at Asprec ay bahagi ng isinumite nila kay Regina E. Reyes, Head of Integrated News, noong Enero 2018. Noong nakaraang Biyernes, kinasuhan ni Fullido ng sexual harassment ang dalawa sa Quezon City Regional ­Trial Court, habang libel case naman sa tatlo pang exe­cutive ng ABS-CBN.