Una sa Balita

Boobs ni Alice kinagat ng kabayo

0 3,650

Sentro ng inggit ngayon ng mga barako ang isang kabayo na nakasama ni Alice Dixson sa travel exploration niya sa Cebu City na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Ang dahilan ay nakaiskor ang kabayo sa ‘dede’ ni Alice nang kagatin ito habang katabi niya ang aktres. Naka-post sa Instagram ni Alice ang short video nang pagkagat sa boobs niya ng kabayo, at makikita na nasaktan ang aktres.

Masisilip sa video na nagsasalita si Alice habang himas-himas niya ang batok ng kabayo. Maya-maya ay na-out of focus na ang aktres sa kamera at maririnig na lang ang reaksyon niya na “ouch” kasunod ang linyang kinagat ng horse ang kanyang dibdib.

Ipinaliwanag ni Alice sa sumunod na frame ng video na gutom na pala ang kabayo at inakala nitong totoong dahon ang naka-design sa harap ng t-shirt niya kaya ito kinagat.

Walang malisya ang pagkagat ng kabayo sa dede ni Alice dahil pareho silang babae, na sinabi rin ng huli sa kanyang spiel. Sabi pa ni Alice sa kabayo, huwag itong ulitin dahil bad ‘yun at hindi naman sila talo, bilang pareho silang girl.

Umaringking talaga sa sakit si Alice sa kagat ng kabayo sa dede niya. Hindi nakita ng netizen kung nagmarka ba ang kagat sa aktres o nasugatan ito.

Kaya nga moral lesson sa nangyari, pakainin muna ang kabayo bago ito sakyan at huwag magsusuot ng t-shirt na kahit anong leafy design para hindi makagat.

I feel so broken – Marjorie

Sinusulat ang item na ito, wala pang personal message si Claudine Barretto sa pagyao ng kanyang ama. Ang pinakahuling post niya sa Instagram ay ang video na magkakasama ang ilang mga kamag-anak niya sa loob ng ospital.

Si Marjorie naman ay nag-post na sa IG niya ng mga larawan nila ng daddy niya kasama ang mga anak niya. Sa caption, nagpahayag ng pagdadalamhati ang ina ni Julia Barretto, kasunod ang pasasalamat sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanya at sa buo niyang pamilya.

“Oh, Dad. It’s so painful losing you. I feel so broken. Thank you for loving me and being the greatest grandfather to my children. Rest now in heaven where you can breathe freely, sing, dance and play golf. Please watch over my children. I love you much I love you, I love you Daddy. I will miss you everyday,” sabi ni Marjorie.

Gretchen inaabangan sa burol ng ama

Wala pa ring posting si Gretchen Barretto tungkol sa pagyao ng kanyang ama, pero siguradong tahimik lang itong nagdadalamhati at gagawa ng paraan para maipakita sa ama ang kanyang paggalang.

Abang ng abang ang mga netizen sa Instagram ni Greta kung may ipu-post ba siya tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama. Pero hanggang sa sinusulat ito ay wala pa ring bagong post si La Greta.

Marami ang umaasam na magkaroon ng reconciliation ang mga magkakapatid na Barretto sa pangyayaring ito sa kanilang ama.

Charo Laude palaban sa Mrs. Universe

Kahit walang swimsuit category, hindi papaawat si Mrs. Universe-Philippines Charo Laude na magpasabog sa laban nito ngayong December sa China, para sa Mrs. Universe 2019.

Si Charo ang kinatawan ng Pilipinas sa pinakamalaking beauty pageant-advocacy para sa mga married women sa buong mundo. Sabi ni Charo, sa pictorial pa lang ay ipaparamdam na niya ang angas ng kaseksihan ng mga Pinay sa beauty pageant.

Nakakaramdam man ng kaba pero mas nangingibabaw ang excitement ni Charo sa laban niyang ito. Taong 1998 nu’ng sumali sa Bb. Pilipinas si Charo pero hindi siya pinalad na manalo.

Lalahok pa sana siya sa isa pang national pageant pero nag-asawa na siya agad, kaya parang nabitin ang pagnanais niyang maging beauty queen. Ang Mrs. Universe ang magpapakumpleto sa pangarap ni Charo.

Napapanahon ang advocacy ni Charo na “Violence Against Women and Children”.

Naghahasik ng alindog:

Anak ni Ina Raymundo super landi sa IG

Kung may kakabog sa pagiging daring niya sa pagpapa-sexy, ito ay walang iba kundi ang kanyang panganay na anak na si Erika Rae. Naghahasik ng alindog sa social media ang dalagang anak ni Ina Raymundo na ngayon ay 18 years old na. Nakabalandra sa kanyang Instagram ang short music video ng dalaga na nagpapakita ng pagiging palaban nito sa pagpapa-sexy.

Sa suot niyang bustier, bikini, talbog ang lahat ng mga nagmamagandang bikini celebrity babes sa social media. Umaalagwa sa kabusugan ang dibdib ng anak ni Ina. Wala rin siyang habas na ipangalandakan ang kanyang puwet sa string bikini na suot niya na kuha sa beach.

Ang landi-landi sa kanyang mga posing sa video ng anak na ito ni Ina, na mapang-akit ang itsura. Sentro ng pagnanasa ngayon sa social media ang anak ni Ina na hindi matatawaran ang tindi ng kanyang alindog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy