Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Boobey ni Anne inayawan sa ibang bansa

0 375

Hindi pala uubra ang beauty ni Anne Curtis sa ilang bansa. Imagine, may mga tumangging ipalabas ang kanyang video sa ilang bansa na hindi na niya binanggit.

Mismong si Anne ang nagsabi sa kanyang anniversary post ng “AnneBisyosa” na hinarang ang kanyang video sa abroad.

Dahil 10 years na mula noong unang mag-concert si Anne para sa kanyang “AnneBisyosa”, kung saan full packed ang venue, nag-throwback ng clips, excerpts ng naturang concert.

Mapapanood na inaayusan si Anne sa backstage, bago sumalang sa stage.

Kitang-kita ang dami ng mga taong sumaksi ng kanyang concert.

“The birth of #ANNEbisyosa Happy Anniversary to my fellow dreamers. Thank you all the love throughout the years. What memorable evening that will be forever echoed in my heart. That feeling of nervousness, fear and excitement you see on my face before the concert started is something I’ll never forget. Miss this. Miss you all. #10years #ADecadeAgo #feeloldyet #NoOtherConcert,” caption ni Anne.

Ayon pa kay Anne nai-post na niya ito noon pero hindi ito pinayagang ipalabas sa ilang mga bansa.

“P.S. Reposting this because my video was blocked in so many other countries.”

Hindi binanggit ni Anne ang rason kung bakit blinocked ang video niya. Baka dahil nakaluwa ang cleavage, boobey ng aktres sa suot niya? O dahil sa kanta niya?

Ellen, Derek exercise nauwi sa romansahan

Hanggang sa workout, exercise ay compatible sila, at hindi nawawala ang sensuality sa mag-asawang Derek Ramsay, Ellen Adarna.

Puwede na nga silang isalang sa talent search show para maipamalas ang kanilang gymnastic routine na may kasamang landian at romansa.

Sa post ni Ellen ng video nila ni Derek na nagwu-workout, mapapanood na hindi natiis na hindi halikan ni Derek sa labi si Ellen kahit mistula itong pusit sa pagkakabanat ng kanyang katawan.

Sa isang photo kung saan nakahiga si Derek at naka-flex ang buo niyang katawan sa ibabaw ni Ellen, magkadikit pa rin ang kanilang mga labi.

Kakaiba nga ang dalawa, dahil kahit anong posisyon nairaraos nila ang pagmamahal, pagnanasa sa isa’t isa.

Ina pinagkakitaan ng poser

Gigil na gigil si Ina Raymundo sa nagnakaw ng kanyang mukha, pangalan para gamitin sa Facebook. Kaloka nga na may 506,000 follower na ang naturang fake FB account.

“This Facebook account is fake. This isn’t mine. I can’t believe that this person has 506k followers?! My real Facebook is Ina Raymundo-Poturnak and it always been on private,” sabi ni Ina.

Naloka si Ina na nire-repost ng poser ang kanyang mga IG photo, video sa naturang fake account.

At ang malala, nakakakuha ng mga engagement, at nagbebenta ng mga merchandise gamit ang kanyang pangalan.

Humingi ng tulong si Ina sa mga netizen para mabaklas ang nasabing fake account.

Carmina binawalang halikan, yakapin si Zoren

Pinagdamutan si Carmina ng pagkakataon na mayakap, malapitan, mahalikan, o maiparamdam ang pagmamahal niya sa kaarawan ng asawang si Zoren Legaspi, kapalit ang taping ng bagong serye sa GMA7.

Sa huling post ni Carmina sa Instagram, naka-selfie siya nang malayo kay Zoren. Sa kuwento niya, ginusto lang siyang makita ni Zoren.

Hindi nila nagawa ang magyakap, sa halip ay kumaway na lang sila na malayo sa isa’t isa.

“Awww. The birthday boy surprised me! @zoren_legaspi. So near yet so far. I can’t kiss or hug him so virtual hugs and kisses nalang. Thank you tatay. Convoy nalang going to our location,” sabi ni Carmina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.