Una sa Balita

Boobay, Tekla palaban kay Vice

0 960

abante-paistaran-dondon-serminoSimula sa January 27 (Sunday, 10:25pm) ay mapapanood na sa GMA 7 ang bagong show na “The Boobay and Tekla Show,” na siyempre pa ay bida nga ang mga komedyanteng sina Boobay at Super Tekla.

At dahil Sunday nga ito, 10:25 ng gabi, obyus naman na ang makakatapat nito ay ang show ni Vice Ganda sa ABS-CBN, ang “Gandang Gabi Vice.”

Well, sa ipinakitang teaser ng “The Boobay and Tekla Show,” na involved pa si Jessica Soho, puwedeng sabihin na ang bongga-bongga nito, at malaking banta talaga sa show ni Vice, ha! Nakakatawa kasi ang teaser pa lang, at kilala naman natin ang kakayahan nina Boobay at Tekla pagdating sa pagpapatawa, ‘di ba?

“Nagpapasalamat ako sa GMA kasi nakita nila yung chemistry namin ni Tekla as comedy duo. Pero para sa akin, fans ang may kagagawan kung bakit kami mapapanood sa telebisyon. Kung hindi dahil sa suporta nila — sa libu-libong likes at views na binibigay nila sa amin sa bawat episode ng show namin, hindi kami mabibigyan ng chance ng GMA. Kaya maraming salamat talaga, para sa kanila ito,” sabi ni Boobay.

“Yung nararamdaman ko is tuwa and at the same time, challenging din ito para sa amin ni Boobay kasi mabigat na res­ponsibilidad ang comedy. Kung sa iba siguro pagpapatawa lang yun, pero para sa amin, seryosong bagay ito. Pero mas nangingibabaw yung fee­ling na lumevel up na kami kasi dati sa online lang kami nakikita, ngayon sa national television na. Buong mundo na ang makakanuod sa amin so pinapangako namin na mag-e-exert pa kami ng more effort and ideas,” sambit naman ni Tekla.

So, handa na silang makipagbugbugan kay Vice Ganda?

“Hindi na po ‘yon ang inisip namin. Oo nga, hindi talaga maiwasan, siya talaga ang makakatapat namin. Mabigat ang pader na babanggain namin, pero sabi ko nga, basta kami nandito lang para gawing masaya ang Sunday night niyo. Patatawanin lang namin kayo.

“At sa rami naman ng mga tao nga­yon, lahat may chance, lahat may pagkakataon na magpatawa,” sabi ni Boobay.

“Basta ang maipapangako lang namin sa mga manonood, gagawin namin ni Boobay ang lahat para makapagbigay ng kaligayahan sa inyo. Yung kumpetis­yon nandiyan na ‘yan, at basta kami, ibubuhos namin ang mga oras namin para makapagpasaya pa sa lahat,” sey naman ni Tekla.

Ang “The Boobay and Tekla Show” ay mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez.

‘PBB Otso’ puno ng banggaan, sorpresa

Isang linggo pa lang, may mga nangyayari nang banggaan ng karakter sa bagong batch ng housemates ng “Pinoy Big Brother Otso.”

Dahil hindi pa nga bihasang-bihasa ang Japanese housemate na si Fumiya sa wikang Filipino ay hindi sila nagkaunawaan ng star dreamer na si Mary Grace.

Nais sabihin ni Fumiya na masarap ang nilutong pagkain ng mga housemate kay Mary Grace ngunit nahirapan ang star dreamer na intindihin ang salitang ‘oishi’ na masarap in Japanese. Akala ni Mary Grace ay gusto ni Fumiya ng shrimp o hipon.

Tawang-tawa ang lahat sa kanilang dalawa dahil sa sobrang nakakaaliw nilang usapan kung saan pilit nilang iniintindi ang isa’t isa. Itong moments na ito ang talagang pinakaaabangan ko sa “PBB Otso” – nakaka-good vibes lang talaga at napapakita ang saya at tuwa ng mga Pinoy kahit na sa harap ng mga nakaka-stress na sitwasyon.

Isa pa sa mga inaabangang moments ko sa “PBB” ay ang mga pasabog na rebelasyon nito. Isa nga sa mga gusto ko talagang makita ay ang pagkakakilala ng magkapatid na Apey, isang housemate, at Mark na isang star dreamer. Muntik na nga silang magkita nang si Mark ang maghain ng pagkain ni Apey sa carinderia ng star dreamers.

Hindi lang si Apey at Mark ang pamilyang maaaring magkita dahil sinusubukan din ng mga housemate na hanapin ang ina ng special star dreamer na si Marie. Maging matagum­pay sana sila para mapuno pa lalo ng good vibes ang bahay ni Kuya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy