Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Boobay, Tekla nagtalakan

0 203

Isang mainit na pagtatalo ang naganap sa pagitan nina Boobay at Tekla sa taping ng kanilang programa na The Boobay at Tekla Show.

Sa isang behind-the-scene video na naka-upload sa Facebook page ng kanilang programa, mapapanood na nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa habang nagte-taping para sa segment na ‘Tape Mo, Mukha Mo.’

Mapapanood din sa video na pinapatigil na sila ng kanilang direktor at ng ibang staff ng TBATS. Isang security personnel na rin ang pumagitna para awatin ang dalawa.

Ano kaya ang pinag-ugatan ng away nina Boobay at Tekla? Friendship over na nga ba ang dalawa? Mapapanood ang mga eksenang ito ngayong Linggo (September 20) sa fresh episode ng The Boobay at Tekla Show sa GMA. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.