Una sa Balita

‘Booba’ type ipasa ni Ethel kay Panelo

0 447

Dahil sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo tungkol sa traffic situation ng bansa, sunod-sunod ang naging reaksyon ng mga netizen dahil hindi sila natuwa sa naging suhestiyon ni Panelo para maresolba ang problema sa trapik.

Heto nga ang mga linyahan ni Mr. Panelo:

“Ano bang crisis? Nakakasakay naman sila ah.”

“Mukha naman wala pa (mass transportation crisis).”

“You want to arrive early, you leave early.”

Kaya hindi nakapagpigil ang celebrity comedienne na si Ethel Booba, at nagbitaw ng pabirong sentimiyento kaugnay sa isyu.

“Besh @imrufamaequinto pasa na natin yung name na BOOBA. Talo na tayo. Charot!” hirit ni Ethel sa Twitter.

Humamig ng libo-libong like at retweet ang sinabi ng komedyante at sunod-sunod din ang naging reply ng mga netizen.

Ipinambabato pa nga ng mga netizen ang naging reaksyon ni Ethel dahil nagawa pa ring pagaanin ang nakaka-bad trip umano na pahayag ni Sec. Panelo.

Well, ano ba ang ibig sabihin ni Ethel sa pahayag na ‘yon? Na ‘booba’ ang komento ni Mr. Panelo? Hala! Kaloka! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy