Una sa Balita

Bonifacio Shrine may libreng WiFi

0 240

Inaasahan na lalo pang madadagdagan ang mga bibisita at mamasyal sa Bonifacio Shrine sa Maynila kasunod ng paglu­lunsad ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng WiFi Kiosk na tinawag na ‘ISKOnek’ kamakalawa nang gabi.

Sinabi ni Moreno na may libreng wifi connection na ang publiko na mamasyal sa lugar.

Bukod pa sa maaari nilang magamit ang kiosk para sa land line calls, social networking at video calls.

Ipinagmamalaki pa ng alkalde na maging ang ilang lugar sa lungsod ay lalagyan rin ng libreng koneksyon sa WiFi. (Juliet de ­Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy