Una sa Balita

Bonifacio Shrine ginamit sa flag raising ceremony ng Maynila

0 313

SA kauna-unahang pagkakataon ginanap ng Pamahalaan Lungsod ng Maynila ang flag-raising ceremony nito sa monumento ni Andres Bonifacio.

Isinagawa ang natu­rang flag-raising ceremony matapos linisin at baklasin ang mga puwesto ng mga tindahan sa paligid ng monumento sa utos na rin ni Manila Mayor Isko Moreno, na gawin ang lugar na libre mula sa mga may-ari ng tindahan at mga walang bahay.

Sinabi ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna na doble ang kanilang tuwa dahil sa unang pagkakataon ay dito ginawa sa makasaysayan at isa sa mga pinagkakaingatang kayamanan, ang Bonifacio Shrine, upang gawin ang lingguhang flag raising­ ng lungsod.

“Ano ang ipakikita natin sa ating mga anak na mga rebultong yan ay balewala? Samantalang yan ay itinatag ng Estado, ng pamahalaan upang ipaalala sa darating na panahon, sa mga anak natin, sa mga kabataan, na kapag ika’y gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa, ika’y gumawa ng kabutihan sa inyong komunidad, sa iyong bansa at sa pagmamahal mo, ika’y gagantimpalaan kahit na pantay na ang paa mo,” pahayag ni Moreno sa kanyang bahagi sa panahon ng flag ceremony.

“Hindi bagay na itong mga simpleng puwesto, lugar na babuyin at pakinabangan lang ng iilan,” dagdag pa ng alkalde. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy