Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bongga magluto: Arjo handa nang pakasalan si Maine

0 225

Siguradong magiging masarap ang pagsasama nina Maine Mendoza at Arjo Atayde kapag nagkatuluyan sila.

Si Maine bago pa man pumasok sa showbiz ay nag-aral ng culinary. Si Arjo, bagamat wala raw background sa food course, mahusay raw itong magluto, ayon sa kanyang inang si Sylvia Sanchez.

Ipinagmalaki ni Sylvia ang mga pagkaing si Arjo mismo ang nagluto. Nasorpresa si Sylvia sa effort ng anak na ipagluto sila ng masasarap na putahe.

“Coming from a quick rest from all the stress this yummy meal that Arjo prepared for us is what welcomed us home. Kimchi soup and pepper steak ala pepper lunch. Ang sarap!” sey ni Sylvia.

Kung magiging mag-asawa sina Maine at Arjo, siguradong masarap ang kakainin nila araw-araw dahil pareho silang mahusay magluto. At siguradong bubusugin ni Arjo si Maine, araw-araw. At mukhang ang pagluluto niyang ito ay paghahanda na rin para pakasalan si Maine, ha!

Anak ni Karen nangisay

Isa si Matteo Guidicelli sa mga dumamay kay Karen Davila nang magsisigaw ang news anchor nang biglang mangisay ang anak niya.

Sa post ni Karen sa Instagram ng mga larawan ng anak sa ospital, ikinuwento niyang kagagaling lang nila ng kanyang asawa sa Sorsogon.

Masaya silang sinalubong ng anak na si David. Pero, sinakmal sila ng takot nang biglang mangisay ang anak.

Habang nilalapatan ng first aid, isinisigaw ni Karen ang pangalan ni Jesus Christ para sa kaligtasan ng kanyang anak. Mabilis namang naisugod sa ospital at maayos na ang kalagayan nito ngayon.

Pinasalamatan ni Karen si Matteo sa reply nito kay @jacquesjewelmer.

Sabi ni Karen, nasa lobby si Matteo ng kanilang condo kasama si Sarah Geronimo nang mga sandaling inatake ang kanyang anak.

“AMEN! And thanks to @matteog he was there in the lobby with Sarah during this experience. Thank you Matteo for your kindness, you care,” saad ni Karen.

Karla mahusay magpaputok

Kung ano-ano ang pinagkakaabalahan ni Karla Estrada ngayon. Kung hindi nagwu-work out, nagluluto, kumakanta ay nakikipagtsikahan si Karla sa IG.

At ngayon naman ay nag-aaral siyang bumaril, ha! Masisilip sa IG ng aktres/host na bumabaril siya gamit ang armalite. Sa porma ni Karla, mukhang eksperto na ito sa boga, ha!

Hindi ipinakita ang target performance ni Karla o score. Pero, tumataginting na P4K ang bayad sa training, na sa tingin ko ay sponsor, dahil na rin sa pasasalamat ni Karla.

***

Turkish airlines nataranta kay Bela

Iba talaga ang aksiyon pag artista ang nanawagan sa social media para sa kompanyang gusto nilang kunin ang atensyon. Agad nag-reply sa comment ang Turkish Airlines kay Bela Padilla nang ipanawagan ng aktres na walang sumasagot sa tawag niya.

“The hotlines and websites have been no help. How can I contact you for something urgent?” tweet ni Bela.

Sey pa ni Bela, wala raw tao sa upisina ng airlines nang puntahan niya ito sa Maynila. Nang makarating sa atensyon ng airlines ang panawagan ni Bela, agad silang tumugon sa aktres.

Kung hindi siguro artista ang nambulabog sa kanila, malamang ‘nganga’ o wala pa rin aksiyon ang mga ito.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.