Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bongga ang acting: Spoof ng ‘Anak’ wagi sa mga netizen

0 182

Good vibes sa mga netizen ang isang video spoof competition na inorganisa ng Sangguniang Kabataan sa Iligan City.

Ang agaw-atensyon sa mga kasaling video ay ang Entry number 3, kung saan ginawan ng spoof ang pelikulang ‘Anak’ ni Vilma Santos at Claudine Barretto.

Sa naturang spoof, sinabayan ng mga aktor ang mismong parte sa pelikula na kanilang ginagaya.

Dito ay nasaksihan ng mga netizen kung gaano kasabay ang buka ng bibig, emosyon ng mukha at kilos ng katawan ng mga nang-ispoof sa mismong pelikula.

Kaya naman, kahit noong Agosto 15 pa ang palugit ng SK para sa mga reactions, bumabaha pa rin ng reactions, views at shares ang naturang spoof video sa Facebook.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 56,000 shares at 7.4 milyong views. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.