Una sa Balita

Bongbong sa DILG para sa 2022

By
0 239

Gagamitin lang umano ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Interior and Local Government (DILG) bilang behikulo sa kanyang presidential ambition sa 2022 at makabalik sa palasyo ng Malacañang ang kanyang pamilya.

Ito ang inaasahan ni ACT Teachers partylist Rep. France Castro dahil sa muling pag-ugong ng impormasyon na si Marcos ang ipapalit ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang sinibak na si dating DILG Secretary Mike Sueno.

“Naku, gagawin niya (Marcos) itong makinarya niya sa susunod (na presidential election),” pahayag ni Castro kapag ini-appoint ni Duterte ang dating senador bilang DILG secretary.

Ayon sa mambabatas, sa sandaling maging secretary na si Marcos sa DILG ay magkakaroon na ito ng direct contact sa mga local government executives para palakasin ang kanyang presidential ambition sa 2022.

Tuwing election, mahalaga ang papel ng mga local executive sa grassroot level kaya maaari umanong bumuo na ng team si Marcos para ma­kabalik na ang mga Marcos sa palasyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More