Una sa Balita

Bongbong naburyong dahil tambay

0 440

POSIBLENG tumakbo sa halalan sa 2022 si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ayon sa kanyang kapatid na si Senadora Imee Marcos.

Subalit hindi pa umano napapagdesisyunan kung national o local post ang tatakbuhan sa susunod na halalan.

“‘Di ko alam, ‘di nagpapaalam sa manang ‘yan. Alam ko tatakbo siya kasi unemployed siya, luto na lang nang luto, blog nang blog,” pahayag ni Marcos sa isang forum kahapon sa Senado.

“Marami naman siya kayang gawin mahusay siya sa ekonomiya. ‘Yung posisyon, ‘di ko alam kasi ‘di pa kami nag-uusap,” dagdag pa nito
“Wait and see pa rin si Bongbong. Ang layo pa e… Ang daming kandidato, parang stampede ito ng 2022,” ayon pa sa senadora.

Sabi pa ni Marcos, kailangan pa ring konsultahin ang kanilang inang si dating First Lady Imelda Marcos kung anong posisyon ang posibleng takbuhan ni Bongbong.

“Siya ang oracle. Siya ang mas marunong,” saad pa ng senadora.

Bagama’t natalo si Bongbong kay Vice President Leni Robredo noong 2016, tiwala naman si Imee na mananalo ito sa susunod na eleksiyon.

“Whether it is [Marcos] magic or hardwork or kinship, certainly there is a bloc of loyalist voters that we are grateful for,” anang mambabatas.

Ayon pa kay Marcos, masyado pang maaga para sabihin kung sinong mga politiko ang tatakbo sa presidential at vice presidential seat bagama’t may ilang personalidad na ang nagpahiwatig na tatakbo sa 2022.

“Maraming malalakas, sobrang daming malalakas. Dito sa Senado lang ang dami nila,” ani Marcos. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More