Bongbong: Ibasura ang kontra-protesta ‘pag ‘di binayaran ang P15M

By

Tinawag ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na isa na naman umanong ‘delaying tactics’ ang hindi pagbabayad ni Vice President Leni Robredo P15 milyon cash deposit para sumulong na ang protesta.

Kaya naman agad nitong isinulong sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na ibasura na ang inihaing counter-protest ng halal na Pangalawang Pangulo.

Ani Marcos, malinaw sa ngayon ay tanging si Marcos ang nakapagdeposito ng P33M habang bigo pa si Robredo na magbigay ng inisyal na bayad na P8M.

Pero mariing pinalagan ni Atty. Bernadette Sardillo, abogado ni Robredo, ang ‘delaying tactics’ na talunang vice presidential bet.

Aniya, kanila nang pinag-uusapan kung paano mababayaran ang P8M gayundin ay nais nila na maresolba muna ng PET ang kanilang mosyon na humihiling na bilang nag-aakusa ay patunayan umano ng Marcos camp na nagkaroon ng dayaan.

“We are ready to comply with the tribunal’s order if their motion is thumbed down. Unfair naman ‘yung accusation na delaying tactics,” paliwanag ni Sardillo.

SHARE