Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bongbong basted talaga kay Sara

0 272

Nagkita at nagkausap sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at dating Senador Ferdinang ‘Bongbong’ Marcos pero hindi umano natalakay ang pinakahihintay na posibleng pagsasanib-puwersa ng dalawa para sa idaraos na 2022 national at local elections.

Ayon sa presidential daughter, may ilan lang silang napag-usapan ng dating senador at kabilang dito ang kanyang alok kung paano makatutulong ang kanyang regional party na Hugpong sa Pagbabago (HNP) sa kandidatura nito.

Muli ring nanindigan si Mayor Sara na hindi sila magsasalpukan sa pagka-pangulo ni Marcos dahil hindi siya kakandidato para sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

Tugon din ito ng presidential daughter sa mga banat ng kanilang kritiko na drama at paikot lang ang pag-ayaw niyang pagtakbo sa pagka-presidente ng bansa.

Sa mga panayam sa kanya sa Cebu, sinabi ng alkalde na nais niyang makatulong sa kandidatura ni Marcos sa pamamagitan ng HNP.

“Ang amoa lang nga giistoryahan, nga sa pagkakaron is how HNP (Hugpong ng Pagbabago) in Davao Region can help his bid for the presidency,” ani Mayor Sara sa panayam ng Radyo Pilipinas Cebu.

Noong Sabado, ginulat ng presidential daugther ang publiko nang mag-post ito sa kanyang social media account ng kanilang mga larawan nina Marcos, kapatid nitong si Sen. Imee Marcos nang dumalo sila sa selebrasyon ng kaarawan ni Rep. Yedda Romualdez, asawa ni House Majority Leader Martin Romualdez, na pinsan ng mga Marcos. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.