Una sa Balita

Bong Revilla sa bahay magpapasko

By
0 56

Makakasama ni dating Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang kaniyang pamilya sa bisperas ng Pasko.

Ito’y makaraang aprobahan ng Sandiganbayan First Division ang hiling ng da­ting senador na payagan siyang makasama ang kaniyang pamilya sa pagdiriwang ng ­Pasko sa Bacoor, Cavite.

Sa resolusyon, pinayagan ng korte ang dating senador na makaalis ng kaniyang detention cell sa Phi­lippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp ­Crame mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-­nuwebe ng gabi ng Disyembre 24, 2017.

Sasagutin ni Revilla ang lahat ng gastusin ng PNP sa mga nabanggit na oras at ang paggamit ng anumang uri ng komunikasyon ay mahigpit na susubaybayan.

Kasabay nito, inatasan na rin ng korte si PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na makipag-ugnayan sa Sheriff’s Office sa pagbibigay ng sapat na personal escorts at security measures para sa lahat ng galaw at disposisyon ni Revilla.

Kasabay nito, inaprobahan rin ng Sandiganbayan ang motion for furlough ng dating aide ni ­Revilla na si Atty. Richard Cambe, para makasama naman sa Pasko ang kaniyang pamil­ya sa Imus, Cavite sa kaparehas ring oras.