Una sa Balita

Bong pinaghahandaan na ang MMFF 2019

0 551

Sa pagkikita muli nina Senador Bong Revilla at ang amang si Ramon Revilla, Sr. ay naitanong ng una kung ano ang masasabi ng ama sa mga taong naging dahilan ng kanyang pagkakakulong ng 4 and a half years sa Camp Crame, at ang sinagot lang daw ng ama ay patawarin na lang ang mga ito.

Mahirap nga namang magpatawad sa hirap ng dinanas ni Sen. Bong while in detention at after ay napawalang sala siya. Saan nga naman ang hustisya, pero gayun pa man ay sinunod ang payo ng ama.

Magandang Pasko ang nagdaan na sama-sama silang nagdiwang kahit na ang amang si Sen. Ramon Revilla, Sr. ay naka-confine sa ospital at doon sila sama-samang nagdiwang ng Pasko.

Mahirap man ang dinanas niya dahil sa maruming politika pero dahil sa mga taong nangangaila­ngan ng tulong niya ay balik Senado ang agenda ni Sen. Bong para matulungan ang mga tao at ang industriya ng pelikulang Pilipino.

Balak din daw niyang magbalik pelikula gaya ng mga ginawa niya noon na tumatak sa mga Pinoy. 100 percent daw na sasali ulit ang Imus Productions sa MMFF 2019.

Masculados buhay pa kahit patay na si Direk Maryo

Buhay na buhay pa rin ang Masculados na noon ay hawak ng namayapang direktor na si Maryo J. delos Reyes. Akala ng iba ay nawala na ang grupo pero abala pa rin sila sa mga gig at out-of-town show.

May mga rehearsal din silang mga sche­dule para naman sa mga project na kinuha sila. Magkakasama pa rin sina Enrico Mofar, David Karel, Nico Cordova, Orlando Sol at Robin Robel na nagbalik muli sa grupo after masangkot sa isang kaso.

Gaya ng dati ay sinisiguro ng grupo na well fit sila at kaaya-aya sa mga follower nila na makapag-perform sa harap nila.

Natiyempuhan namin ang grupo nang makalaro ni Jeric Gonzales sa isang basketball match sa PhilAm Village Basketball Court kung saan sila nagkikita-kita tuwing Martes nang gabi.

Matagal na palang magkakaibigan ang grupo ng Masculados at si Jeric Gonzales. Bale sila ang mga buddy-buddy niya pagdating sa basketball. Kaya sa mga lib­reng araw niya ay madalas kasama niya ang grupo.

Samantal,a extended na naman ang “Ika-5 Utos” dahil sa magandang rating nito at marami ang sumusu­baybay hindi lang sa Pilipinas kundi sa mga bansang may GMA Pinoy TV: Nakakarating sa amin ang magagandang comments sa programang ito.

***

Nakakaaliw si Michael Angelo na isang blocktimer sa GMA News TV kung saan may comedy show ito. Matagal-tagal na rin si Michael sa GMA News TV at nakalabas na rin sa iba’t ibang programa ng GMA.

Nakakaaliw si Michael habang nagkukuwento ng pinagdaanan niya na may halong comedy at kahit dalawang oras pa ito magdadakdak ay hindi ka masusuya bagkus tatawa ka nang tatawa.

Ganyan si Michael at bukod sa mga showbiz project ay may mga project din siya sa mga politiko lalo na kapag election period kung saan nagpapatulong ang mga ito sa kanilang mga speech. Kaya asahan ninyo na maaliw kayo kapag na-meet ninyo ang isang Michael Angelo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy