Una sa Balita

Bong naiyak sa kanta ni Lani

0 484

Sold out ang tickets sa “Voices for Love” concert na produced ni Annabelle Rama sa The Marriott Grand Ballroom noong Wednesday night.

Actually, ang kuwento ni Bisaya, marami pa raw gustong bumili ng tickets para sa pre-Valentine concert dinner nina Jed Madela at Angeline Quinto, pero wala na raw siyang maibigay dahil last week pa ‘yon sold out.

Special guest sa concert na ‘yon si Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Actually, walang idea si Bisaya na singer talaga ang misis ni Senator Bong Revilla. Hindi alam ni Bisaya na may recording album si Lani, huh!

“Napanood ko lang si Lani sa birthday party ni Bong. Maga­ling. So, sabi ko, i-guest ko naman siya sa concert na ipo-produce ko. Nag-yes naman siya sa akin. Hindi yata niya matanggihan ang beauty ko. Nang magkita kami uli sa isa pang party, ni-remind ko na siya.

“Nagulat si Lani. Akala raw niya nagbibiro lang ako. Pero sabi ko sa kanya, serious ako, kaya, ayon, hindi na siya nakapag-back out.

“Tatawagan ko nga siya. Pasasalamatan ko. Tuwang-tuwa ang mga nanood. Hindi lang daw magaling na artista si Lani, magaling pang singer. ‘Yong hindi, hindi rin aware na singer pala si Lani!” sey ni Bisaya.

Actually, si Ruffa Gutierrez rin na isa sa mga nanood ng nasabing dinner concert, galing na galing sa kanya. Ang bongga rin dahil ang second song ni Lani na “Ikaw” ay dedicated sa mister niyang si Bong.

Bumaba pa ng stage si Lani at nilapitan si Bong at teary-eyed (parang naiyak talaga sa video na pinadala sa akin ni Mary Ann Opeña) siya.
Feel na feel ni Lani ang lyrics ng “Ikaw” habang kinakantahan niya si Bong at ang sweet nga na nag-kiss pa sila bago bumalik sa stage si Lani, kaya kilig na kilig sa kanila ang mga nanood ng “Voices for Love”.

Sec. Panelo sinalo ang role ni Mother Lily

Sabi nga pala ni Bisaya, lahat ng mga kasama sa “Voices for Love” ay tinext na niya para pasalamatan. Masaya raw siya.

Ang galing-galing nina Jed at Angeline, pati ang front acts na sina LA Santos at Alyssa Muhlach Alvarez (anak nina Almira Muhlach at Bong Alvarez), ang mga guest na sina Mitoy Yonting at Imelda Papin, pati si Secretary Salvador Panelo na biglaang kinuha ni Bisaya na mag-guest.

Pero bakit biglang napasama si Sec. Panelo sa “Voices for Love”?

“Paano, siya pinalit ko kay Mo­ther Lily Monteverde na surprise guest sana, pero tumawag sa akin si Mother Lily na hindi siya pinayagan ng kanyang doctor. Mabuti na lang at puwede si Sec. Panelo, kaya pinakiusapan ko,” sey ni Bisaya.

In fairness, bukod sa mahilig kumanta si Sec. Pa­nelo ay may hilig din naman sa kanya ang kanta, kaya maraming naka-appreciate sa kanya sa mga nanood ng “Voices for Love”.

Nabigyan naman ni Sec. Panelo ng justice ang pagkakasama sa dinner concert na prinodyus ni Bisaya, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More