Una sa Balita

Bong, Lani may bagong apo

0 365

Inuulan ng biyaya
abante-talbog-joe-barrameda

Sunod-sunod ang biyaya sa pamil-ya Revilla, ha! Aba, matapos nga ang mahabang panahon na puro problema ang dumating sa buhay nila, heto at ayaw paawat ang mga biyaya sa kanila.

 

 

Una na nga riyan ang pagkapanalo ni Sen. Bong Revilla bilang Senador, na kahit na tinitira-tira ng iba, wala na nga silang magagawa, dahil naiproklama na nga siya bilang Senador.

 

 

Sabi nga, kung susuwertehin ka talaga, wala na silang magagawa pa.

 

 

Anyway, last Thursday nga ay nagkaroon ng Thanksgiving Party para sa pamilya Revilla. Bukod kasi kay Sen. Bong ay nanalo rin sina Strike Revilla bilang Congressman, Lani Mercado bilang Bacoor Mayor, Rowena Bautista bilang Konsehal, Jolo Revilla bilang Vice Governor at Andrea Ynarez bilang Mayor ng Antipolo City.

 

 

At heto pa, dahil ang anak nilang si Inah Bautista del Rosario ay nagsilang na naman ng panibagong biyaya. Ito na nga ang maituturing na pinakamalaking blessing sa pamilya nina Bong at Lani, ha!

 

Anyway, isang malusog na lalaki ang bagong apo nina Bong at Lani, na ang name ay Mikael Domingo Bautista del Rosario. Suwerte ang bagong baby ni Inah, huh!

 

 

Sumabay sa tagumpay ng mga lolo at lola ang pagdating niya dito sa mundo. Congratulations sa pamilya Revilla.

 

 

Aktor tinangkang gapangin ang bruskong aktor

 

 

Sinasabi ko na nga ba at may magaganap at hindi talaga mapigilan ang kati. Sa isang shooting sa malayong lugar ay muntik na raw sapakin ng aktor ang isang kapwa aktor. Teka, aktor nga ba?


Well ang ginawa raw ng production staff sa ginagawang pelikula ay pinagsama-sama ang mga aktor sa isang malaking kuwarto. Kanya-kanya raw puwesto ang mga aktor sa inilatag na mattress.

 


Dahil may pagdududa sila sa isang aktor ay kanya-kanya raw puwesto sa sulok para iwasan ang nasabing aktor. Siyempre late na sila natutulog at inaabot ng madaling-araw bago na-pack up ang shooting, at pagod ang lahat kaya nakakatulog din agad ang lahat.

 


Dahil mababaw ang tulog ng isang bruskong aktor ay naram-daman niya na bigla raw may kumakalabit o humihimas sa likod niya. Una ay dinededma raw niya, pero inulit daw muli ng pinaghihinalaang aktor.


Sabi niya sa sarili, kapag inulit daw ang pagkalabit sa kanya ay bibigwasan na niya ito. Pero dahil sa sobrang pagod niya ay nakatulog na raw siya agad nang mahimbing at hindi na niya namalayan kung nagtagumpay ang kasamahan nilang aktor na kahina-hinala.

 


Kinabukasan sa pag-uwi nila ay nakatanggap daw siya ng text na nagsasabi o nagso-sorry ang pinaghihinalaang aktor. Hindi na lang daw sinagot ni bruskong aktor ang baklitang aktor, kaya panay raw ang kantiyawan ng ibang kasamahan na natuklasan nila na si bruskong aktor ang type ng “kamay ni Hilda”.

 


Kaloka ang drama nitong aktor na kahina-hinala ang drama, ha!

 


‘Di kailangan ng yaya:Alden patok pa rin sa ‘Eat Bulaga’

 

 

Na-miss -ng lahat ng Dabarkads si Alden Richards dahil ilang linggo siyang hindi napanood sa noontime show na “Eat Bulaga.” Busy kasi ang Pambansang Bae sa shooting ng pelikula niya na “Hello, Love, Goodbye” with Kathryn Bernardo.

 


Nag-trending agad sa Twitter ang pagbabalik ng Kapuso actor sa noontime show. Gamit ang #ALDENergizer, talaga namang naging ganado ang netizens sa pagsubaybay sa song number ng BAElikbayan!

 


Kahit wala na nga silang lambingan ni Maine Mendoza ay patok pa rin talaga si Alden sa “Eat Bulaga,” ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy