Una sa Balita

Bong lalaya bago mag-Pasko — Mayor Lani

By
0 1,624

KUMPIYANSA si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla na lalaya at makakasama na ng kanilang pamilya bago mag-Pasko ang mister nito na si dating Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

Sa kanyang talum­pati kahapon sa isang okasyon sa Tacloban City, inihayag ni Mayor Lani na malamang na ipawalang-sala ng Sandiganbayan First Division ang kanyang mister kaugnay sa kasong plunder na kinakaharap nito na may kinalaman sa pork barrel fund scam.

“Kami, bilang isang pamilya (ay naniniwala na) hindi aabot ng December 10 ay makasama na po natin si Sen. Bong Revilla,” paghahayag ni Mayor Lani.

“Hinihintay na lamang po namin ang desis­yon ng Sandiganbayan ukol po sa kanyang kaso. Naka-rest na po ‘yung case at nag-file na po ng memorandum ang prosecution,” dagdag pa ng alkalde.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy