Una sa Balita

Bong Go tutulong sa mga mangingisda, magsasaka

0 334

NANGAKO si senatorial candidate Christopher ‘Bong’ Go na kanyang tutulungan ang sektor ng agrikultura, partikular ang mga mahihirap na magsasaka at mangingisdang Pilipino sa sanda­ling palarin siyang makaupo sa Senado.

Layon ni Go na suportahan ang mga development program sa sektor ng agrikultura para maiangat ang buhay ng mga mahihirap na magsasaka at mangingisda.

“Bigyan natin ang mga magsasaka ng ayuda tulad ng murang abono, makinarya, seeds at pautang na maliit ang interest at mabilis ang proseso para naman matulungan silang mapaganda ang kanilang ani,” pahayag ni Go nang dumalo sa pro­clamation rally sa Pontevedra, Negros Occidental.

Ilan sa kanyang mga programa para sa sektor ng agrikultura ay ang pagbibigay sa mga magsasaka at mangingisda ng free business at skills trainin­g hinggil agri-entrepreneurship at scholarship grant para sa kanilang mga anak

Tiniyak din ni Go na kanyang ipagpapatuloy ang mga nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kung masaya kayo sa pamamalakad ni Pa­ngulong Duterte, ipagpapatuloy ko po ang pagbabagong nasimulan ni Pangulong Duterte,” pahayag ni Go. (Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy