Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bong Go swak sa Senado swak para malantad katiwalian

0 436

Malaking bentahe kay Senador Bong Go na napadpad sa Senado para mailantad ang mga maling gawain at kriminalidad sa gobyerno.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa Pangulo, alam ni Sen. Go na mayroon itong misyon at trabaho sa senado kaya siya ang naglalantad ng mga hindi tamang gawain sa pamahalaan.

“Alam niya may trabaho siya sa Senate. He can always use the forum sa senate to expose wrongdoings and expose criminality,” anang Pangulo.

Kasama aniya ang senador sa kanyang adhikain na linisin ang katiwalian sa gobyerno at alisin no pababain ang antas ng kriminalidad sa bansa.

Inihayag naman ni Senador Go na tutulong siya sa gobyerno at hindi iiwanan si Pangulong Duterte.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.