Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bong Go suportado ng PDP-Laban sa pagka-Pangulo

0 159

Kahit tumatakbo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) Party si Sen. Bong Go bilang Pangulo para 2022 national election ay siya pa rin ang inendorso bilang Presidential candidate ng PDP-LABAN matapos iatras ni Sen. Bato Dela Rosa ang kanyang kandidatura noong Sabado ng hapon.

Ayon sa opisyal na pahayag ng partido, “bitbit ni Senador Go ang malawak na kaalaman sa pamamahala dahil natutununan niya ito kay Pangulong Rodrigo Duterte at tanging siya lang tiyak na makakapagpapatuloy ng mga proyekto at plano ng Pangulo”.

Sinasabing nagustuhan din ng Partido ang pagiging malapit ng Senador sa mga ordinaryong Pilipino lalong lalo na ang mga mahihirap na patunay dito ang pagtatatag niya ng mga Malasakit Centers nationwide.

“Inaasahan din na si Senador Go lang ang makapagpapatuloy ng build build program ng Pangulong Duterte” anang isang opisyal ng PDP-LABAN.

Sinabi pa ng opisyal na tanging si Senador Go lang ang masipag at totoo sa kanyang kasabihan na “Bisyo ay magserbisyo”

Leave A Reply

Your email address will not be published.