Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bong Go suportado multi-sectoral groups sa Samal

0 75

Patuloy ang pagkakaloob ni Senator Christopher “Bong” Go ng tulong sa mga nangangailangang residente sa Island Garden City sa Samal, Davao del Norte sa kanyang huling pagbisita sa lugar noong Biyernes, kung kailan pinangunahan pa niya mismo ang pagsasagawa ng relief operations para sa mga magsasaka, solo parents, mangingisda, senior citizens at iba pang sectoral groups sa Brgy. Sta. Cruz.

Sa kanyang mensahe, muling tiniyak ni Go ang kanyang commitment na matulungan ang mga nangangailangang kababayan kahit nasaan man silang lugar sa bansa.

“Mga kababayan ko, mayroon lang akong kaunting tulong para sa inyo. Ako sinabi ko sa inyo noong una na kahit saang sulok kayo ng Pilipinas, basta kaya lang ng panahon ko at kaya lang ng oras ko, (tutulungan ko kayo),” ayon kay Go.

“Dahil ‘yan ang pangako ko sa inyo na kahit saan kayo dito sa Pilipinas, magbibigay ako ng tulong at solusyon sa inyong mga problema…. Makapag-iwan lang ng kaunting kasiyahan sa mga mukha ninyo, ay masaya na rin ako,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan rin ni Go ang mga Samaleños sa kanilang patuloy na suporta sa buong panahon ng termino ni Pang. Rodrigo Duterte, at tiniyak na ang pagtulong niya sa mga ito ay bahagi ng commitment niya at ni Pang. Duterte bilang mga public servants.

Upang matiyak naman ang kaligtasan ng may 1,376 residente na nagtungo sa Sta. Cruz National High School, igrinupo ng outreach team ng senador ang mga benepisyaryo sa mas maliliit na batch at istrikong ipinairal ang mga kinakailangang health protocols laban sa COVID-19.

Personal ding pinangunahan ni Go ang pamamahagi ng grocery packs, vitamins, shirts, meals at masks sa mga residente. Nagkaloob rin siya ng bagong pares ng sapatos, mga bisikleta at phablets, sa mga piling indibidwal.

Sa naturang aktibidad, nag-turn over din ang Department of Agriculture ng swine multiplier farms sa mga agrarian reform farmer-beneficiaries upang matulungan silang lutasin ang African Swine Fever na nakaapekto sa kanilang hog industry.

Pinayuhan rin ni Go ang mga benepisyaryo na bisitahin ang Southern Philippines Medical Center sa Davao City at Davao Regional Medical Center sa Tagum City kung saan matatagpuan ang mga Malasakit Centers upang matulungan silang mabayaran ang kanilang hospital bills.

Si Go ang siyang principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019 o Republic Act No. 11463. Sa ngayon ay mayroon nang kabuuang 151 Malasakit Centers sa buong bansa at umaabot na sa mahigit tatlong milyong Pinoy ang natulungan nito.

Upang mapabilis naman ang development at makalikha ng mas maraming economic opportunities sa island city, sinuportahan din ni Go ang konstruksiyon ng kalsada sa Port of Barangay Sta. Cruz patungo sa Barangay Linosutan, Talicud Island, Kaputian District; kalsada mula sa Crossing Toril, Babak patungong Barangay Sto. Niño, Babak District; at kalsada mula sa San Agustin Elementary School patungo sa Maximo Arellano Elementary School, Brgy. Sto. Niño, Babak District.

Sinuportahan rin niya ang water system projects sa Barangays Pangubatan, Libertad, San Remigio, Kinawitnon at Miranda; konstruksiyon ng bypass road Jct. Babak-Samal-Kaputian Road-Brgy. San Antonio-Tagpopongan, Phase 2, IGACOS Circumferential Road; at konstruksiyon ng two-story multipurpose building at isang farm-to-market road sa Brgy. Tambo.

Ang iba pang inisyatiba na sinuportahan niya sa Davao del Norte ay ang konstruksiyon ng river wall at pagkongkreto sa Sitio Bunsalag patungong Sitio Misulok-Sulok road sa Talaingod; konstruksiyon ng concrete revetment sa Tagum-Libuganon River Basin at dike sa Sadpudon Creek sa Carmen; konstruksiyon ng multipurpose buildings sa Kapalong at New Corella; at renobasyon ng public terminal, public parks at plaza sa New Corella.

“Ako hindi ako pulitiko, hindi ako mangangako dahil hindi ako katulad ng iba na mangangako na hindi gagawin. Pipilitin ko na makapagserbisyo sa inyo sa abot ng aking makakaya. Pinilit ko na makarating sa inyo dito,” ani Go. “Kami ni Presidente Duterte ay patuloy na magseserbisyo sa inyong lahat. Kahit na patapos na ang kanyang termino… ako na senador niyo ay pagkatapos ng termino sa 2025 ay patuloy akong magseserbisyo sa inyo, dahil para sa amin ang serbisyo sa tao ay serbisyo ‘yan sa Panginoon.”

Pinuri rin niya ang mga local government officials sa kanilang pagsusumikap at commitment na mapagsilbihan ang kanilang mga constituents sa gitna ng global health crisis.

Samantala, sa nasabi ring araw, personal na binisita ni Go at pinangunahan ang distribution activities para sa mahigit 1,605 Samaleños sa Brgys. Dadatan, Cogon at Linosotan, gayundin ang mga Samaleños mula sa Brgys. Del Monte, San Jose at Cawag.

Leave A Reply

Your email address will not be published.