Una sa Balita

Bong Go sa GSIS: Huwag maningil ng penalty, pensyon ilabas na

0 483

Hinikayat ni Senador Bong Go ang Government Service Insurance System (GSIS) na i-waive ang multa para sa naantalang remittance, ilabas nang maaga ang kanilang pensiyon at magbigay ng emergency loan sa kanilang mga miyembro sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang statement, nanawagan si Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, sa pamununan ng GSIS na maging maluwag sa kanilang mga miyembro lalo na sa kinakaharap na krisis sa bansa.

“Kung maaari ay bigyan ng palugit ang pagbabayad ng contributions. Huwag na munang maningil ng penalties. Dahil sa community quarantine, maraming finance units ng mga ahensiya ng gobyerno ang nahihirapang gumalaw ngayon. Tulungan natin silang maibsan ang kanilang mga problema,” ani Go.

“Kung maaari din sana, i-release nang mas maaga ang mga pension. Ayon sa mga datos, mas mataas ang fatality rate ng mga matatandang nahawaan ng COVID-19. Kailangan nating tulungan ang ating mga retirees na makaiwas at makapaghanda sa sakit,” dagdag nito.

Nakipag-usap na aniya siya kay GSIS president at general manager Rolando Macasaet hinggil sa kanyang panukala at nakahanda naman aniya ang ahensiya na tumulong sa kanilang mga miyembro.

“Macasaet confirmed that they are ready to release pensions earlier and they will not penalize agencies which might be late with their remittances. For emergency loans, pinag-aaralan na nila nang mabuti paano gawin, pero may pondo naman,” sabi ni Go. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More