Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bong Go: Mag-utol, mag-ina sa Senado binoto ng mga tao

0 68

Hindi maaapektuhan ang trabaho at kredibilidad ng mga senador kahit na ilan sa kanila ang magkakapamilya.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Bong Go kaugnay sa pagkakahalal ng ilang senador na magkapatid at mag-ina.

“Eh `yan naman po ang pinili ng taumbayan, wala po tayong magagawa doon. Eh ‘yon po (ang demokrasya)… Nandidiyan na po `yong resulta at mga dati naman pong senador `yong iba sa kanila. And I’m sure very competent naman po (sila),” sabi ni Go.

“Kaya nga po pinili ng mga tao at pinili ng majority ibig sabihin pinagkakatiwalaan. So ‘yun po ang pinili ng taumbayan we have to respect it,” dagdag ni Go.

Katatapos lang iproklama ang magkapatid na Senator-elect JV Ejercito at Jinggoy Estrada. Nanalo rin si dating Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at makakasama ang kapatid na si Senador Pia Cayetano sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Wagi rin si dating public works secretary Mark Villar na sinundan ang yapak ng inang si Senador Cynthia Villar. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.