Una sa Balita

Bong Go kasado sa Senate probe ng frigate deal

By
0 1,954
BINIGYAN na ng pahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte si Special Assistant to the President Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na dumalo sa imbes­tigasyon ng Senado kaugnay sa pag-uugnay sa kanya sa frigate deal ng Philippine Navy.
 
Sinabi ng Pangulo na pagkakataon na ito ni Go para makilala, lalo na at gusto nitong kumandidatong senador.
 
Natawa naman si Go sa biro ng Pangulo pero inihayag nitong handa siyang humarap sa Senado para linawin at linisin ang kanyang pangalan sa isyung inilabas ng online news agency na Rappler.
 
Inaakusahan si Go na umano’y nakialam sa kontrata ng Philippine Navy kaugnay sa bibilhing mga barko sa South Korea.
 
“Itong si Bong, apo ito sa biggest printing­ press outside of Manila­. Alam ‘yan ng mga taga-Davao, ‘yung Tesoro, likod ng UN, kanila ‘yan. Hindi na kaila­ngang magnakaw ng frigate diyan, may yate na ‘yan eh.
 
“Kaya sabi ko nga, there was a talk, sinabi sa kanya, ‘You’ll be called to testify’. Sabi ko, ‘That is your golden opportunity para ma-senador ka.’ Gusto atang tumakbo ng senador, sige,” ayon sa Pangulo.
 
Pero ayon kay Pre­sidential Spokesman Harry Roque hindi na maaaring mapaki­alaman pa ni Go ang kontrata dahil ‘done deal’ na ito noon pang panahon ni dating Pa­ngulong Benigno Aquin­o III.
 
Sa exposé ng Rappler­, inatasan umano ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang dating PN Navy chief Vice Admiral Ro­nald Mercado na asikasuhin ang request ni Go tungkol sa isang mala­king proyekto sa Philippin­e Navy.
 
Tinutukoy dito ang Combat Management System (CMS) sa da­lawang frigate sa hala­gang P15.5 bilyon.
 
Tinanggihan umano­ ni Mercado ang request ni Lorenzana kaya ­nasibak ito sa puwesto­ noong ­Disyembre 2017.
 
Mariin namang itinanggi ni Go na nakialam siya sa proyekto.
 
Nakorner ng Hyundai Heavy Industries (HHI) ang kontrata sa paggawa ng dalawang frigate, pero sa nakuhang impormasyon ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, banned na pala ito sa South Korea.