Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bong Go: Duterte tuloy trabaho hanggang matapos termino

0 178

Tuloy lang ang trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa huling araw ng kanyang termino bilang pinuno ng bansa.

Ito ang tiniyak ni Senador Christopher ‘Bong’ Go matapos ihayag ni Duterte na nag-uumpisa na siyang magbalot-balot ng kanyang mga gamit sa Malacañang dahil sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang termino bilang Pangulo sa Hunyo.

“Ganun naman talaga ang buhay. Lahat ng mga bagay ay may pagtatapos. Kaya naghahanda na si Pangulong Duterte dahil alam naman nating patapos na ang kanyang termino,” sabi ni Go, dating Presidential Assistant ni Duterte, sa isang pahayag.

“Ginawa na niya ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya. Gusto rin niyang siguraduhing maayos ang transition patungo sa susunod na administrasyon ng kung sino man ang pipiliin ng taumbayan sa halalan,” dagdag nito.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ni Duterte na nag-iimpake na ito at naipadala na niya sa barko ang ibang kagamitan. Kabilang dito ang mga ibinigay sa kanyang mga souvenir.

Ayon kay Go, kahit nabibilang na ang araw ng Pangulo sa Malacanang, hindi umano niya sasayangin ang natitirang araw at oras at patuloy pagsisilbihan ang mga Filipino.

“But until that day comes, he will continue to fulfill his duty as President and he will make sure no time is wasted in serving the Filipino people. He will definitely continue to work until the last day in his term,” sabi pa ni Go.

Samantala, patungkol naman sa napipisil ni Duterte na iendorso sa pagkapangulo at pangalawang pangulo, sinabi ni Go na hintayin na lang pinal na desisyon ng presidente.

“Regarding any endorsement by him, I cannot speak on his behalf. He alone makes the final decision whom to endorse, if at all. Abangan na lang po natin at magtiwala tayo sa kanyang pagpapasyahan,” ayon pa kay Go. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.