Una sa Balita

Bond’s Mission arangkada sa PHILRACOM-RBHS race

0 182

HINDI binigo ni Bond’s Mission ang mga liyamadista tapos masikwat ang panalo sa PHILRACOM-RBHS Class 4 Category 22-27 Linggo ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa largahan, hinayaan ni Bond’ Mission na mauna si If­yourhonorplease, pero papasok ng far turn ay umusad na ito papalapit sa unahan.

Bago dumating ng huling kurbada ay hawak na ni Bond’s Mission ang bandera at tumuloy-tuloy na hanggang meta.

“Magaan naming nakuha ang unahan kaya sa rektahan sabi ko wala ng makakahabol sa amin,” saad ni class B rider EG Guerra.

Malakas ang remate ni Et Al sa rektahan, pero puro tulak na lang si Guerra at naitawid niya si Bond’s Mission sa meta na may tiyempong 1:30.4 minuto sa 1,400 meter race.

Sumegunda si Et Al, tersera si Isa Pa Isa Pa habang pang-apat si Cannon Ball. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy