Una sa Balita

BOMBERS MAIN MEN NAWAWALA

By
0 3

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
10 a.m. — Jose Rizal vs EAC (jrs)
12 nn. — St. Benilde vs LPU (jrs)
2 p.m. — Jose Rizal vs EAC (srs)
4 p.m. — St. Benilde vs LPU (srs)

Dismayado si Jose Rizal University coach Vergel Meneses sa ipinakikitang laro ng kanyang mga bataan, matapos ang apat na laro ay isa pa lang ang kanilang panalo sa 92nd NCAA men’s basketball tournament.

“We’re not playing with heart,” saad ng disma­yadong si Meneses.

Sisikapin ng Heavy Bombers na magpakitang gilas mamayang hapon laban sa Emilio Aguinaldo sa The Arena sa San Juan para manumbalik ang tikas na nagpapasok sa kanila sa Final Four noong nakaraang season.

Kailangan magpakita ang tila absent na main men ng JRU na sina Tey Teodoro, Paolo Pontejos, Jordan dela Paz at Cameroonian duo Abdel Poutouochi at Abdul Razak Abdul Wahab para sikwatin ang pa­ngalawang panalo at gumanda ng bahagya ang posisyon sa team standings.

Sa parte ng Generals, maganda ang inilalaro nina Hamadou Laminou, Sydney Onwubere, Francis Munsayac, Remy Morada at Igee King pero kinakapos ang mga ito sa bandang huli.

“We have games that we had a chance to win but we blew our opportunities,” ani EAC coach Ariel Sison.

Kapareho ng karta ng JRU ang EAC, kaagaw nila sa panlimang puwesto ang Lyceum of the Philippines Pirates at San Sebastian College Stags.

Nais din ng Pirates na hablutin ang pangalawang panalo laban sa nangungulelat na Collge of Saint Benilde Blazers sa ikalawang laro.

Sasalang ang Pirates na wala pa rin ang sentrong si Joseph Gabayni na nagpapagaling ng injury.