Una sa Balita

Bomba sumabog sa Davao police station

0 274

AKSIDENTENG suma­bog ang mga bomba na nakalagay sa loob ng compound ng Davao City Police Office na naging dahilan ng sunog kahapon bago magtanghali sa nabatid na lungsod.

Ayon kay Police Major Jason Baria, tagapagsalita ng Southern Mindanao Police Regional Office, nagsimula ang pagsabog dakong alas-11:30 sa loob ng bodega ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) sa Camp Captain Domingo E. Leonor na matatagpuan sa San Pedro St. ng nabatid na lungsod.

“Previously reco­vered explosives stored at the EOD-DCPO stockroom accidentally exploded, producing a loud blast at the SATU (Special Anti-Terrorism Unit) barracks,” paha­yag ni Baria.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa insidente. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy