Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bomba nahukay sa likod-bahay

0 128

NATAGPUAN ang isang vintage bomb sa likod ng isang bahay sa bayan ng Santa Cruz, Davao Del Sur, Huwebes ng hapon.

Kwento ni Armando Genares, 55, naghuhukay siya sa likuran ng kanyang bahay para sa gagawing septic tank sa Purok San Francisco, Brgy. Coronon, nang makita niya ang malaking bomba.

Agad siyang humingi ng tulong sa mga otoridad at saka itinurn-over ang nadiskubreng bomba.

Nanawagan naman ang pulisya na maging maingat kapag nakahukay ng vintage bomb at makipagtulungan sa mga awtoridad dahil maaari pa rin itong sumabog. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.