Una sa Balita

Bomba ka day!

0 970

Jovelyn Gonzaga

Ni Janiel Abby Toralba

MATAPOS ang dala­wang taong training sa military service at pag-recover sa anterior cruciate ligament (ACL) injury, balik volleyball court si Jovelyn Gonzaga.

Grade four lamang noon ang Guimaras-pride nang unang makahawak ng bola ng volleyball at sa mura nitong edad, hindi niya inaasahan na magi­ging world class ang kanyang galing.

Pagtuntong ng third year high school ay napalayo na ang lefty spiker sa kanyang pamilya nang maglaro para sa Central Philippine University sa Iloilo hanggang magkolehiyo ito.

Noon pa lang ay highly rec­ruited na ang 5’8” opposite hitter ng mga UAAP schools pero hindi ito nanghinayang na manatili sa Iloilo para doon tuparin ang kanyang mga pa­ngarap.

Taong 2009 nang unang maglaro ito sa Maynila kung saan ay ginawa siyang guest player ng University of St. La Salle na kasali sa Shakey’s V-League.
Pero nang tanungin ito kung ano sa tingin niya ang ginagawa niya ngayon kung hindi ito atleta, “Nag-aalaga ng anak, joke!”

Hirit pa nito, “Siguro nagtuturo kasi education yung course ko.”
At kahit pa sikat at mataas ang tingin kay Gonzaga, minsan na rin nitong sinearch ang kanyang sarili sa Google.

Pero ang paliwanag nito, “Kasi matagal akong nawala. Namiss ko yung dating ako. ‘Yung mga achievement ko and hindi lang naman Google, minsan YouTube din, (pinapanood ko) yung mga laro ko dati.”

Nilarawan naman ng 27-taon gulang na masayang-masaya ang kanyang love life.
Pero hindi alam ng mga fan na kahit sobrang sipag at tiyaga ni Gonzaga, “Pala-tulog lang talaga ako”.

Ngayong taon sa kanyang pagbabalik, nagpapasiklab si Gonzaga kasama ang Pacific-Town Army sa Premier Volleyball League.

Para pa sa kanya, wala itong pagsisisi sa kung ano man siya ngayon dahil “lahat naman ay binigay ko, no regrets.”

Q&A

Abante: Paano mo ilala­rawan ngayon ang lumalagong volleyball sa bansa?
Gonzaga: “Ngayon sobrang nagpo-progress unlike before. Katulad nito na may grand fans day. Before kasi laro lang. Sobra talagang nag-excel ‘yung volleyball sa Philippines.”

Abante: Ano ang maaasahan sa iyo ng mga fan?

Gonzaga: “Maaasahan nila na I will give it all. Siguro same as before na gagawin ko ang lahat para mapasaya ‘yung mga fan at para sa team. Para makamit namin yung goal namin.”

Abante: Ano sa tingin mo ang magiging resulta ng national volleyball team sa SEA Games?

Gonzaga: “Ang laki ng chance lalo na ang ganda ng line-up ngayon. Sobra akong tiwala na makakakuha sila ng medal.”

Abante: Message mo para sa iyong mga taga-suporta na naghintay sa iyong pagbabalik?

Gonzaga: “Sobrang laki talaga ng utang na loob ko sa kanila kasi sila ‘yung naging strong support system ko. Noong mga times na walang-wala ako, times na down na down ako, sobrang nafe-feel ko yung love nila. Vina-value pa rin nila ako. Alam mo ‘yun na may part pa rin ako sa mundong ito, sa mundo ng volleyball.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy