Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bomba bumulaga matapos matinding pagbaha sa Cagayan

0 130

Isang unexploded ordnance malapit sa Cagayan River sa Barangay Linao West, Tuguegarao City ang natagpuan ng isang magsasaka.

Ayon sa ulat, nakita ng magsasaka ang bomba habang nangangalap ng kahoy na panggatong.

Nakita niya ang may 52-pulgada na bomba at tumimbang ng humigit-kumulang na 500 kilo.

Sabi ng mga imbestigador, maaaring naanod ang bomba ng umapaw na Cagayan River na nagresulta sa malawakang pagbaha sa lalawigan noong bagyong Ulysses.

Dinala na ang bomba sa ammo dam sa Police Regional Office 2 para sa temporary storage at habang hinihintay nila ang approval para sa disposal nito sa Capas, Tarlac. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.