Una sa Balita

Bomb threat sa Mapua Makati, Maynila pinagsabay

0 214

NAGKAROON ng tensyon at isang estudyante ang hinimatay nang magtakbuhan papalabas ng unibersidad matapos na mapaulat na may bomb threat ang Mapua University kahapon nang umaga sa Intramu­ros, Maynila.

Nabatid na hindi lamang ang Mapua, Intramuros ang nakatanggap ng bomb threat kundi maging ang Mapua University sa Makati ay nakatanggap din ng bantang pagsabog sa pamamagitan ng mga text message.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 5, alas-9:22 nang umaga nang makatanggap ng text message ang miyembro ng student council na si Jose Paulo Napao ng Mapua-Manila. Alas-9:25 din nang umaga nang makatanggap ng kaparehas na mensahe ang miyembro ng student council na si Vinzwill Christian Subaan ng Mapua-Makati na may sasabog sa unibersidad.

Alas-10:00 nang umaga nang tuluyang suspendihin ng pamumunan ng Mapua ang klase.

“ADVISORY: Classes are suspen­ded due to a reported bomb threat. Students and employees are required to vacate the Intramos and Makati campus now,” abiso ng pamunuan ng Mapua. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy